Ikaw ang Bituin ng Buhay Ko
Ako ay naglalakbay sa buhay na ito,
Nang nag-iisa at nalulungkot,
Naghahanap ng makakapiling.
Gabi-gabi'y tumitingala sa kalangitan,
Hinahanap-hanap ang bituing,
Nagniningning ng higit sa iba.
「Nasaan ka, o aking bituing nasa langit?
Kailan kita matatagpuan?
Kailan ikaw ay mahahagkan?」
Sa aking paglalakbay, natagpuan din kita,
Aking bituing katangi-tangi,
Ang puso ko ay nagagalak.
Ang iyong mga ngiti ay nagbibigay-sigla
Sa aking pusong nalulungkot,
Buhay ay nagbalik dahil sa iyo.
Ang iyong kagandaha'y tulad ng nagsisibol
Na Mirasol sa bawat umaga
Maginhawa't kabighabighani.
At ang iyong malumanay na tinig ay hangin
Na dala'y kapayapaan sa akin,
Paggugulumihana'y naglaho.
Ikaw ang nag-iisang bituin ng buhay ko,
Pangako, iibigin kang lubos,
Magpakailanman, aking sinta.
Cover image: 〈Bright Milky Way above the Lake〉 by Yinan Chen, dedicated to the Public Domain under CC0 1.0 Universal.
〈Ikaw ang Bituin ng Buhay Ko〉 © 2011, 2015, 2020, 2026 Yohan Yukiya Sese Cuneta (ISNI | ORCID iD).
License: Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International (CC-BY-SA-4.0), except where noted.
Publication history:
2011-07-10: FictionPress
2026-09-11: Wattpad
2026-08-13: ATmosphere network