Sana'y Hindi Pa Huli ang Lahat
Sana'y hindi pa huli ang lahat
Upang ika'y makilala.
Sana'y hindi pa huli ang lahat
Upang tayo'y magkasama.
Sadya bang ganito ang tadhana
Damdamin ko'y pinaglalaruan?
Nagtatanong ang aking puso
Bakit, bakit nagkakaganito?
Ikaw ba'y talagang aking mahal
O laro lamang ito ni Kupido?
Ikaw ba'y iniibig ko nang tunay
O sadyang ako'y nahihibang lamang?
Sana'y hindi pa huli ang lahat
Upang ika'y makapiling.
Sana'y hindi pa huli ang lahat
Upang tayo'y mag-ibigan.
Mahal kita, o aking sinta
Ikaw ang kulay ng aking buhay.
Iniibig kita, o giliw ko
Sana ako'y ibigin mo rin…
Cover image: 〈Falling In Love Under The Stars〉 by Broken Crayon, dedicated to the Public Domain under CC0 1.0 Universal.
〈Sana'y Hindi Pa Huli ang Lahat〉 © 2010, 2026 Yohan Yukiya Sese Cuneta.
License: Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International (CC-BY-SA-4.0), except where noted.
Publication history:
2010-12-26: FictionPress
2026-09-11: ATmosphere network & Wattpad